Novalices Christian Fellowship Logo

CARE GROUP TESTIMONY ON END TIMES SERIES

tica

The Impact Of Studying The End Times In My Christian Life

For full story click here >>

Rommel Fortaleza  (NEW)

tica

Nagpapasalamat ako sa Lord na nagkaroon ng isang lesson about sa mangyayari satin sa future. Marami akong natutunan sa bawat lesson na napag-aralan. First, yung kahalagahan ng pagtanggap  sa Panginoong Hesus blang Diyos at Tagapagligtas. Bilang isang “saved” by God’s grace, nagkaron ako ng burden na i-share sa iba ang promise ng Lord; ang eternal life with the Lord by accepting Jesus Christ. Sa mga napag-aralan naming, ayaw kong danasin ng mga mahal ko sa buhay ang mga bagaya na tunay na mangyayari sa future. Mas lumalim ang desire kong ipag-pray ang mga taong di pa tumatanggap sa Lord na maranasan din nila ang blessings and forgiveness ng Lord sa lahat. Sa mga lessons na ito, natutunan kong mas lalo pala nating dapat mahalin at kilalanin si Hesus bilang Panginoon because in the end, Siya lang naman talaga ang tunay na maghahari sa lahat. And lastly, isang blessing ang mai-consider akong “anak ng Diyos” dahil di ko na mararanasan ang mas matinding paghihirap na darating sa hinaharap. And because of God’s great love, naligtas ako sa tiyak na kapahamakan, na yun din ang desire kong mangyari sa aking mga mahal sa buhay na wala pa sa Lord, at sa iba pang tao. Excited na akong mamuhay sa kingdom ng Lord kasama ang Panginoon at ma-enjoy ang lahat ng ipinangako Niya sa ating lahat na tumanggap sa Kanya.

Yen G. Sarmiento (NEW)

tica

Life is short. God has given us life to share the Good News, to share the gospel para magkaroon ng kaligtasan ang lahat ng tao at makasama natin sa Eternal Life. Habang tayo ay nandito sa lupa ay patuloy tayong maging asin ng sanlibutan maging sa salita o sa gawa.

Adelina Tan (NEW)

tica

Sa panahong ito ay marami ng pangyayari na ating nararanasan na akala natin ay wala lang, ngunit ito pala ay signs o mga simbolo na malapit ng magbalik ang ating Panginoong tagapagligtas.
Ang natutunan ko sa pag-aaral natin sa signs for the end times ay dapat maging handa tayo sa pagbalik ng ating Panginoon. Ito na ang panahon na dapat pagsisihan at hingin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan, dahil kung hindi pinalagpas lang natin ang pagkakataon na mabuhay ng walang hanggan na kasama ang ating Diyos. At ito;y habang buhay nating pagsisisihan sa dagat-dagatang apoy o tinatawag na impyerno.

Lydia Tabucon

melvin

Ito ang aking natutunan sa aming care group, na talagang lalong nadagdagan ang aking kaalaman una sa rapture na talagang hindi na ako nangamba dahil lalong naintindihan ko na ako’y anak na ng Diyos. Siguradong kasama Niya ako sa Kanyang kaharian, at marami pang iba na aking naintindihan sa care group kaya malaki ang aking pasasalamat sa Diyos na ang care group nabuksan sa pangunguna ng aming mabait na pastor na talagang pursigido na malalim pa ang matutunan ng kanyang hawak na iglesia.

Salamat po God Bless.

Sim Ga

marcelo

 

I thank the Lord because I have learned many things from the series of “end times”.
Actually, I have limited knowledge about tribulation, but now I clearly understand the significance of it.
Through this lessons God reminds me of three important things:
First, not to feel sad for all the failures achieved in my life but to continue looking unto Jesus the author and finisher of our faith (Hebrews 12:2); to always set my affection on things above not on things on the earth (Colossians 3:2).
Second, it reminds me of my many mistakes and I deeply feel sorry for this matter. (1 John 1:9)
Finally, He likewise reminds me not to neglect doing His great commission, but to go on sharing “His Great Love”, “Good News” to the lost souls. (Matthew 28:19-20).

Nel Balsomo



Copyright 2009 Novaliches Christian Fellowship